Biyernes, Abril 22, 2016

Tema: Ang Pagdiriwang ng Earth Day

 MRB Patriotic Stories
Abril 22, 2016


Alam po ba ninyo na ang Earth Day ay isang daw pag-aalala at pakikiisa ng buong bansa sa pagsasaalang-alang ng kalagayan ng kalikasan. Sinasalarawan ng ‘Earth Day’ ang pagmamahal at pagpapahalaga ng bawat indibidwal sa buong mundo para sa kalikasan. Kung wala ang kalikasan, wala rin tayong mabubuhay sa mundong ibabaw. Ito ang nagbibigay hininga at  buhay sa lahat nang mga nilalang sa mundo. Simbulo rin ang araw ng Earth Day ng kalayaan at katahimikan ng buong mundo.

Ipinagdiriwang po ang ‘Earth Day’ tuwing buwan ng Abril 22. Kasama po ang mahigit 193 bansa sa nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga buong henerasyon, mga kabataan, mga bata at matatanda kung bakit mahalagang pangalagaan ang kalikasan. Nang magkaroon ng kumperensya ang UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ) noong 1969 , iminungkahi ni John McConnell, isang peace activist na magkaroon ng pag-alala ng pagpapahalaga sa daigdig at kalakip nito ang konsepto ng kalayaan sa buong mundo. Kung kaya’t, sinimulan ng mga milyong pamilya, kabataan, unibersidad at iba pang personalidad ang noong Marso 21, 1970 ang Earth Day sa kalahating bahagi ng mundo sa parting  hilaga.

Si Gaylord Nelson naman na isang senador ng US at tagapagtatag ng ‘Earth Day’, sya ay kilala rin bilang   National Environment Teach-In, ang unang nagbanggit ng pangalang “Earth Day”. Katunog umano nito ang  “birthday” kapag binibigkas. Ito ay pag-alala rin na ang April 22 ( araw na ipinagdiriwang ang earth Day ), ay kanyang kaarawan kung gayon, maganda umano ang “Earth Day” malapit sa salitang “birthday”.

Subalit alam po ba ninyo na sa kasalukuyang panahon ang imperyalismong Estado Unidos ang nangungunang imperyalistang bansa na numero 1 mapanira sa kalikasan.  Sa ngalan ng kaunlaran at tagapagtanggol ng kapayapaan daw ng mundo subalit sila ang pasimuno ng gyera sapamamagitan ng proxy war at pang-uupat nito sa mundo para sa hegemony ng kanilang interes pang-ekonomiya at pangmilitar. Ikinukubli nito, ang kanilang mapangwasak na patakaran sa pamamagitan ng mga ahensyang tulad ng IMF-WB, UNESCCO, UNDP at ngayon Green Climate Fund. Matapos makapangwasak gagamitin pa nito ang GCF upang magpautang at magkamal ng tubo mula sa ipapautang sa bansa. 

Alam din po ba ninyo na ang programa ng National Democratic Front (NDF) na 12 Puntong Programa ang tunay na agenda para sa proteksyon ng patrimonya ng bansa, paglaban sa pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing rehimen Estados-Unidos Aquino.  Hindi man araw ng daigdig, araw-araw na naglulunsad ang rebolusyonaryong kilusan ng aktibidad at programa upang pangalagaan ang kalikasan. Isa lamang sa mga programa ng kilusan ang ‘Natural na Paraan ng Pagsasaka para sa Digma’ (NP3D) sa Bikol at Likas Kayang Pagsasaka sa Mindanao. Isinasapraktika ng mga particular na programa nito ang pagbibigay ng mga abanteng kaalaman sa pagsasaka mula sa mga dating kaban ng syensya sa pagsasaka bago pa ang mapangwasak sa kalikasan na programa ng Green Revolution. Ang tunay na katugunan laban sa ‘climate change’ na nararanasan natin ngayon ay ang paglaban sa pangwawasak ng mga dayuhang korporasyon sa pagmimina at pangwawasak sa kalikasan ng mga dayuhang korporasyon sa binhi (gmo), abono at pestisidyon.

Kaya alam po ba ninyo ang likas at natural na paraan an ng pagsasaka ang mayamang kaalaman laban sa sakim sa tubong sistema ng malawakang produksyon upang kontrolin ang pagkain ng mundo at mabilis na was akin ang natural na sistema at syensya ng kalikasan.  Ang tunay na kaaway ay ang imperyalismong US, Panginoong Maylupa at ang mga Burukrata Kapitalismong sumusuhay sa kanilang paghahari.  Ang pagkalas ng mga magsasaka sa pagkakagapos sa imperyalistang Kontrol sa pamamagitan ng paggamit ng mga kemikal na abono’t pestisidyo na numero unong sumisira sa ating kalikasan ang isa hakbang upang malabanan ang matinding tagtuyot, sakit na dulot ng HYV_GMO at nagbabagong klima sa mundo.


Sabado, Abril 9, 2016

Araw ng Kagitingan

 MRB Patriotic Story
April 9, 2016

Alam po ba ninyo na ang Abril 09 ay tinawag na Araw ng Kagitingan? Magkaroon po muna tayo ng kaunting baliktanaw pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ibinigay ng imperyalismong EU at Britaniko sa Hapon ang tungkuling maging ispesyal na tanod nila sa pinto sa likuran ng unang estadong sosyalista at maging prinsipal na Asyanong kolaboreytor sa kolonisasyon ng mamamayang Asyano. Ibinigay sa Hapon ang pribilehiyong panatilihin ang mga dating kolonya nito at magkaroon pa ng mga bago, bastat hindi nito hahamunin ang hegemonya ng EU at Britanya. Sa Pilipinas, hinikayat ng imperyalismong EU ang mga empresang Hapones na lumahok sa pagsasamantala sa mamamayang Pilipino, laluna sa Mindanao. Gayunman, noong mga taon ng dekadang 1930 ay niyanig ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan at sa loob ng mga bayang imperyalista, at nanaig ang pasismo sa ilang bayang kapitalista, kabilang ang Hapon na naging peligro sa mga mamamayan ng mundo.

Kapareho ng lahat ng iba pang kapangyarihang pasista, nagdisisyon ang imperyalismong Hapones na maglunsad ng gera para hatiin uli ang mundo sa desperadong hakabng na iligtas ang sarili sa paghina ng ekonomya nito. Ambisyon nitong monopolisahin ang Asya kahit ayaw ng mga dating among Briton at Amerikano. Naglunsad ang imperyalismong Hapones ng malakihang pagsalakay sa Tsina noong mga taon ng dekadang 1930 bago niyon sinalakay ang iba pang bayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong Disyembre 7 at 8, 1941, biglang sinalakay ng mga eroplano ng Hapon ang mga base militar ng EU sa buong Karagatang Pasipiko at Dagat ng Tsina, kabilang ang mga nasa Pearl Harbor at Pilipinas. Sinunod kaagad ng papet na gobyernong komonwelt ang mga awtoridad na militar ng EU at idineklarang "open city" (hindi lalaban) ang Maynila noong Disyembre 26, at inokupa ito ng mga Hapones noong Enero 2, 1942. Noong umpisa pa lamang, malinaw nang ang istratehiyang militar ng EU ay asikasuhin muna ang Europa at pabayaang kumalat nang husto sa Asya ang mga Hapones.
Tulad ng inaasahan ngmga mananalakay na Hapones, buong katangahang ikinonsentra ni MacArthur sa Bataan at Corregidor ang Armadong Pwersa ng EU sa Dulong Silangan (US Armed Forces in the Far East o USAFFE) na binubuo ng mga tropa ng EU at boluntir na Pilipino. Mula sa ilang lugar ay buong layang sinalakay ngmga tropa ng imperyalismong Hapones ang Pilipinas. Sa gayon, napaligiran nila ang USAFFE na sumurender sa Bataan noong Abril 9 at sa Corregidor noong Mayo 7. Wala gaanong saysay ang paglaban sa Bataan, at ginamit lamang ito para protektahan ang pagtakas ng mga kolonyal na opisyal ng EU at papet na gobyernong komonwelt sa Corregidor. Isinurender ng mga heneral ng EU ang kanilang pwersa at sapilitang napasama ang mga ito sa "death march" mula Bataan hanggang sa concentration camp sa Capas, Tarlac. Sa martsa, sapilitang pinaglakas ang mga bilanggong sundalong Pilipino at Amerkano ng 63 milya na bumibilang na 75,000 na bilanggo Abril 09, 1942.  Sa bilang ng 75,000 mas marami ang bilanggong Pilipino na umaabot sa 63,000 habang ang napasabay lamang na bilanggong Amerkano sundalo ay umaabot lamang ng 12,000. Ang nakakapangilabot na kalagayan at pagmamalupit ng mga kolonyalistang hapon sa mga bilanggo ng gyera ay tinawag na Bataan Death March na nagresulta sa tinatayang 7,000 hanggang 10,000 na patay.  Karamihan sa kanila ay pinagbabaril sa gitna ng martsa kapag nagtanggang uminom sa madadaanang balon at ang iba ay namatay sa tortyur sa kamay ng mga sundalong Hapon sa pamumuno ni Lt. Gen Homma Masaharu.

Alam din po ba ninyo habang pinagpapapatay na ang ating mga sundalo, traydor na namili pa sa dalawang bagay ang mga burukratang kapitalistang pinatataba ng mga imperyalistang EU: manatiling tapat sa imperyalismong EU o ibaling ang katapatan sa imperyalismong Hapones. Ganoon din ang pinagpilian ng malaking burgesyang komprador at malaking panginoong maylupa. Hinding-hindi nila isinaalang-alang na ang pasistang pagsalakay na resulta ng mga kontradiksyon ng mga bayang imperyalista ay pagkakataon na para igiit ang soberanya ng sambayanang Pilipino laban sa imperyalismong Hapones at imperyalismong EU. Nahati sa dalawang paksyon ang Partido Nacionalista ng mga komprador at panginoong maylupa na nagmonopolisa sa papet ng burukrasya; nagsilbi sa imperyalismong EU ang isang paksyon, at ang isa nama'y sa imperyalismong Hapones. Ang mga burukratang kapitalista na nagdesisyong kumampi sa imperyalismong EU ay tumakas papuntang Washington o sumama sa USAFFE, ang mas kinalaban pa ay ang taumbayan kaysa mga pasistang Hapones at mga papet nito.
Pumarito ang imperyalismong Hapones dala ang islogang "lugar ng sama-samang kasaganaan sa Kasilangangang Asya" (East Asia Co-prosperity Sphere) tulad din ng pagparito ng imperyalismong EU dala ang islogang "mapagpalang asimilasyon" (benevolent assimilation). Ang Pilipinas ay ginawang kolonya ng mga pasistang mananalakay at itinayo nila ang sarili nilang papet na gobyerno sa pamumuno ng malaking traydor na si Jose Laurel. Sinuportahan ng malaking burgesyang komprador at uring panginoong maylupa ang papet na gobyernong ito. Noong Oktubre 14, 1943, ibinigay ng mga imperyalistang Hapones ang "independensya" at itinayo ang isang papet na republika sa malinaw na tangkang unahan ang mga imperyalistang EU, na nangako na ring gagawa ng ganoong panloloko pagdating ng Hulyo 4, 1946.

Mahigit tatlong linggo nang sakop ng mga Hapones ang Maynila ay nasa syudad pa rin ang liderato ng Partido Komunista ng Pilipinas. Naaresto ang mga lider ng Partido habang nagmimiting sa syudad. Buong linaw na ipinakita ng pangyayaring ito ang kawalan ng sapat na preparasyon sa gera. Ipinakit nito ang mapaminsalang impluwensya ng mga ahente ng imperyalismong EU, sa pamumuno nina Lava at Taruc, na nagmaniobrang ituon ang pansin ng liderato ng Partido sa parlamentarismong burges, pasipismo at mga kalayaang sibil.

Ang pagbago ng agos ng buong gerang pandaigdig laban sa pasismo ay utang ng lahat ng mamamayan ng mundo, laluna ng mamamayan ng Europa, sa Unyong Sobyet na nasa dakilang pamumuno ni Kasamang Stalin. Ang labanan sa Stalingrad ang nagpahina sa pinakaubod ng kapangyarihang Axis. Mula noon, walang tigil na sumulong ang Pulong Hukbong Sobyet, at nalipol at nalansag ang pwersang pasista.

Higit sa lahat ay utang ng sambayanang Pilipino sa sarili ang paglaya nila sa imperyalistang mananalakay na Hapones. Ang kabuuang pagpupunyagi ng Partido Komunista ng Pilipinas, Hukbalahap at iba pang makabayang pwersang gerilya sa buong bayan ang bumali sa gulugod ng mapanalakay at papet na pwersang Hapones. Sila ang nagtaboy sa mga Hapones mula sa mga garison sa mga syudad at kabayanan, at tumupok sa kaaway sa pakikidigmang gerilya sa kanayunan. Hindi imperyalismong EU ang nagpalaya sa Pilipinas. Bumalik lamang ang imperyalismong EU para ipataw muli ang kolonyal na paghahari nito. Sa katunayan, ikinonsentra nito ang pagbomba at pagkanyon sa mamamayang Pilipino at mga bahay nila noong huling parte ng 1944 at unang parte ng 1945 para mapadali ang pagsakop uli sa kanila. Nakipagkumpitensya ang mga imperyalistang hapones sa mga imperyalistang EU sa dami ng mga ipinapatay na mamamayang Pilipino. Pagkabalik na pagkabalik ng imperyalismong EU, nagmaniobra ito para salakayin at l ansagin ang Hukbalahap at iba pang pwersang gerilya na hindi kasama ng USAFFE.

    

Biyernes, Abril 8, 2016

Ang Katotohanan sa Panahon ng Panunungkulan ng Rehimeng Ramos

MRB Patriotic Stories
Abril 02, 2016

Alam po ba ninyo na nanalo si Heneral Fidel Ramos bilang presidente ng Pilipinas sa eleksyon ng 1992. Naging mapagpasya sa kanyang pagkapanalo ang todong suporta ng US at ang paggamit ng pondo at rekurso ng reaksyunaryong gubyerno. Gayunman, 23.5% lamang ng kabuuang naitalang boto ang kanyang nakuha.

Minana ni Ramos ang nagpatung-patong na problema ng naghaharing sistema. Para pangalagaan ang interes ng imperyalismong US at ng mga lokal na naghaharing uri, ginagamit niya sa kanyang kontra-rebolusyonaryong estratehiya at taktika ang kabuuang arsenal ng mga sandatang nasa kanyang kumand. Pero ang panloob at panlabas na rekursong maaari niyang gamitin sa pagpupursigi sa kontrarebolusyon ay higit nang maliit kaysa nahawakan nina Marcos at Aquino.

Ang naghaharing pangkatin ni Heneral Ramos ay isang burukratiko-malaking kumprador-panginoong maylupang paksyon, na kasinsiba ng nakaraang nagharing mga pangkating Marcos at Aquino. Si Ramos ay isang subok at tapat na tuta ng imperyalismong US. Isa siyang sagadsaring anti-komunista at militarista. Bilang hepe ng Philippine Constabulary (PC) ng rehimeng Marcos, kabilang siya sa pangunahing nagbalak at nagpatupad ng batas militar. Bilang Chief-of-Staff ng Armadong Pwersa ng Pilipinas o AFP at pagkatapos, Kalihim ng Departamento ng Tanggulang Pambansa sa panahon ni Aquino, siya ang pangunahing arkitekto at tagapagpatupad ng “total war.”

Linggo, Abril 3, 2016

MASAKER SA MGA MAGSASAKA NG PASISTANG MAKINARYA NG ESTADO SA KIDAPAWAN CITY LABAN SA MAGSASAKA, KONDENAHIN!


Mariing kinukundenang National Democratic Front-Bikolang pinakasagad sa butong atakeng rehimeng Aquino laban sa mga magsasakang Lumad at Kilusang Magbubukid sa Pilipinas-Mindanao sa Kidapawan City, North Cotabato.  Dalawa (2) ang patay at apatnapo (40) ang sugatan at marami ang inaresto sa hanay ng mga magsasakang kung saan nasa ikatlong araw ng kanilang isinasagawang kilos protesta para sa kahilingang ayudang bigas sa nararanasang kalamidad.

Sumagad na sa hayagang pasismo ang estado upang maisagawa ang masaker sa isang lehitimong legal napagkilos ng mga magsasaka at mamamayan ng North Cotabato. Subra-sobrang kabang isang sagot ng rehimeng Estado Unidos-Aquino laban sa mga Lumad at mamamayan ng Mindanao na nagpasyang ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno at sakahan laban sa mapangwasak na pagmimina ng mga kumpanya ng dayuhan at local nanaghaharinguri.

Sariwa pa sa talaan ng mga pamamaslang laban sa mga bata, matanda, babae at mamamayan sa Mindanao.  Sa pinakahuling pandarahas ay ang isinagawang panununog ng mga elementong militar at paramilitar sa Haran Compound kung saan pansamantalang tumutuloy ang mahigit pitong daang (700) Lumad na lumikas sa kanilang mga komunidad dahil sa militarisasyon. Bahagi lamang ito sa libo-libong mga magsasakang na disloka at napilitanglumikas dahil sa matinding operasyong halos limampong porsyento (55%) ng pwersang mersenaryong makinaryang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Itinutulak lamang ng rehimeng US-Aquino ang mga magsasaka na magtanggol sasarili laban sa matinding pang-aapi at pagsasamantala at tahakin ang iba’t-ibang paraan ng paglaban.  Mahigpit na tatandaan ng mamamayan ang aral sa kasaysayan hanggang lubusang tahakin ang armadong paglaban na sya lamang katugunan na mabago ang mapang-api at mapagsamanta lang sistemang lipunan.

Higit na pagtibayin ang kapasyahang ipagtatanggol sa sariling hanay, laban sa kaapihan at pagsasamantala.

Determinadong isulong ang rebolusyon hanggang saTagumpay.

Maria RojaBanua
National Democratic Front-Bicol









Sabado, Marso 26, 2016

Serye 7 : Ang Katotohanan sa Eleksyon ng Rehimeng Aquino (1986-92)


Alam po ba ninyo na noong Eleksyong 1986 na tinawag na “Snap Eleksyon” ay si Corazon Aquino ang nakalaban ni Marcos at ang unang umupong presidente nang matanggal ang diktador sa poder. Tulad ng naunang mga papet na presidente, pinaburan ng imperyalismong US si Aquino dahil siya ang pinakaepektibong makakapanlinlang sa mamamayan samantalang marahas na pinananatili ang naghaharing sistema. Sa ilalim ng papet na rehimeng Aquino, lalo lamang lumala ang krisis sa lipunan.

Ipinagpatuloy at pinatibay ni Aquino ang mga patakaran sa ekonomya na nagbibigay sa imperyalismong US at iba pang dayuhan ng pribilehiyo para patuloy na makapandambong sa bayan at makapagkamal ng mas malalaking supertubo.  Hindi naiahon ng panandaliang pagdagsa ng dayuhang pamumuhunan ang ekonomya. Sa halip, namalimos pa ang rehimeng Aquino ng karagdagang pautang kapalit ng mabibigat na kondisyong higit na nagpahirap sa mamamayan.  Mula $26 bilyon noong 1986, lumobo ang dayuhang utang ng Pilipinas sa $30 bilyon noong 1992.

Nagkunwari ang papet na rehimeng Aquino na nilalansag nito ang istruktura ng rehimeng militar. Sa katunayan, nagsagawa lamang ito ng kosmetikong mga reporma at hakbang. Tampok ang pagbabalik ng pormal na burges-demokratikong mga proseso at institusyon tulad ng eleksyon at Kongreso. Hindi nabago ang saligang katangian ng mga nasabing proseso at institusyon bilang mekanismo para piliin kung aling pangkatin ng mga reaksyunaryo ang maghahari sa bayan.

Sa likod ng balatkayong ito, higit na pinatindi ng Rehimeng Aquino ang pasistang pananalakay sa mamamayan, laluna sa masang manggagawa at magsasaka. Pinanatili ang pasistang mga batas na sumusupil sa mga demokratikong karapatan ng masang anakpawis.

Sa katunayan, pagkaupong-pagkaupo pa lamang sa poder, ipinatupad ni Aquino noong Abril 1986 ang kontra-insureksyong programa ng AFP na OPLAN Mamamayan kapalit ng Oplan Katatagan ni Marcos. Katambal ng islogan ni Aquino na “pambansang rekonsilasyon nang may hustisya”, nilayon ng Oplan ang mabilis na pagwawakas ng armadong rebolusyon at matagalang digmang bayan.

Isinabatas nito ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na lalo lamang nagpahigpit sa hawak ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesyang kumprador sa malalawak na lupaing agrikultural. Dahil sa napakaraming butas at eksemsyong pabor sa kanila, sa mataas na presyo ng lupa at kawalan ng pondo para ipatupad ang huwad na programa sa reporma sa lupa, lalo lamang ipinagkait sa masang magsasaka ang karapatang makapag-ari ng lupa.

Isinabatas nito ang Herrera Bill (RA 6715) upang lalo pang yurakan ang karapatan sa pag-uunyon at pagwewelga ng mga manggagawa. Kabilang sa pinakamasasahol na probisyon nito ang: pagpapahaba sa limang taon mula tatlong taon ng tagal ng collective bargaining agreement (CBA) at pagbabawal sa mga welga habang naka-CBA; pagsikil sa karapatang magwelga ng mga manggagawa sa pamamagitan ng boluntaryong arbitrasyon, labor management council at assumption of jurisdiction, na pawang mga instrumento na naglalagay sa kamay ng mga ahenteng pabor sa mga kapitalista ng kapangyarihang pigilin ang welga.

Nagpanggap ang rehimeng Aquino na interesado sa usapang pangkapayapaan sa NDF, pero tumanggi itong harapin ang tunay na mga ugat ng armadong tunggalian. Sa halip, ginamit ang usapan bilang paghahanda sa “total war” laban sa rebolusyonaryong kilusan. Matapos mabigo ang “usapan sa kapayapaan” noong Enero 1987, inilunsad ni Aquino ang “total war” sa pamamagitan ng “paghugot ng espada ng digmaan.”

Sa ilalim ng patakarang “total war,” naglunsad ang reaksyunaryong hukbo at pulisya ng mga kampanya at operasyong militar na mas malaki, malawak, mabangis, mapanira at matagalan kaysa mga inilunsad ng pasistang rehimeng Marcos. Dahil nabigo ang nauna nang Oplan Mamamayan, pinalitan ito ng Oplan Lambat Bitag 1 at 2,(OLB 1 at 2) na ipinatupad ng kanyang kalihim ng depensa, si Heneral Fidel Ramos.  Matagalang layunin ng Lambat Bitag na bunutin ang ugat ng armadong rebolusyon sa pamamagitan ng paglutas diumano sa ugat nito sa pulitika, ekonomya at lipunan.  Kagyat na tungkulin naman nito na "pigilin ang paglago ng armadong kilusan sa pamamagitan ng solusyong militar."  

Nabigo ang mga ito na durugin ang mga rebolusyonaryong pwersa, pero nagdulot ng matinding pinsala at pahirap sa mamamayan. Inatake rin ng rehimeng Aquino ang ligal na kilusang masa at ang pinakamasahol dito ay ang masaker sa Mendiola noong Enero 26, 1987 kung saan napatay ang 11 nagpoprotestang magsasaka at nasugatan ang mahigit 100.

Masugid na nagmaniobra at nangampanya si Aquino sa pagpapanatili ng mga base militar ng US. Mariing tinutulan ito ng mamamayan na buong tatag na nanindigan para sa pambansang soberanya. Bunga nito, naitulak ang Senado na ibasura ang panukalang tratado na magpapatagal pa sa mga base militar ng US sa Pilipinas.

Ibinalik ng rehimeng US-Aquino ang nabanggit na mga proseso at institusyon sa pagnanasang muling palaparin ang pagtamasa ng mga reaksyonaryong uri sa mga pakinabang ng paghahari. Pero bunga ng walang ampat na paglala ng krisis sa ekonomya, patuloy na kumitid ang batayan para sa akomodasyon sa hanay nila. Ilang ulit sumambulat ang tangkang mga kudeta–mararahas na agawan ng kapangyarihan ng nagtutunggaling mga paksyon.

Subalit minabuti ng imperyalismong US na lantarang basbasan ang rehimeng Aquino. Naging mapagpasya ito sa pananatili ni Aquino sa poder.